^

Pang Movies

Jennylyn, muntik makain ang bubog sa inorder na pagkain ni Dennis

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mabuti at maingat kumain si Kapuso actress Jennylyn Mercado, kaya nakita niya na ang food na idineliber sa kanya sa set ng taping niya na in-order ng boyfriend niyang si Dennis Trillo ay may mga bubog. Kaya nakatikim ng talak ni Dennis ang food online seller sa kanyang Instagram post.

 Ipinakita pa ni Dennis sa post niya ang ilang bubog na nakuha ni Jen sa food na mabuti at hindi nakain nito.  Mabait pa si Dennis dahil hindi niya pinost ang name ng food online seller.

Caption ni Dennis: “Since wala kayong contact number at hindi kayo nagri-reply sa IG message ko, baka sakaling makarating ito sa inyo. Nag-order ako kagabi para kay Jen around 6pm, ito ang nangyari. Bakit may bubog sa pagkain niya?”

Ginawa raw ito ni Dennis para makarating din ito sa ibang food online seller para maging maingat sila sa pag-aayos ng mga idine-deliver nilang pagkain at maging maingat din ang mga nag-o-order ng food online na kainin ang mga tinanggap nilang pagkain.

Max, nilinaw ang pagsasama nila ni Pancho

Matagal nang maraming nagtatanong kung ano ang real score sa pagsasama ng Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno. May rumor kasing nagkakalabuan ang pagsasama nila, lalo pa at hindi na sila nagpu-post sa kani-kanilang social media, tulad ng dati, na magkasama sila at ng anak nilang si Skye. Kahit nang mag-celebrate si Skye ng first birthday nito, hiwalay ang celebration nilang mag-asawa, kaya medyo nagkaroon ito ng controversies.

Pero ipinahayag ni Max sa Zoom mediacon ng upcoming GMA Primetime tele­serye nilang To Have And To Hold, na maayos ang pagsasama nila ng husband niya, hinahayaan daw siya ni Pancho na i-prioritize ang kanyang showbiz career. Kaya raw sa social media tahimik lamang sila dahil they have their own branding bilang artista. Kaya very thankful siya to have a husband who supports her and who understands her. “So okay lang naman if people wants to talk about us – they can talk about us, it’s okay,” sabi pa ni Max. “Kami lang talaga ‘yung nakakaalam how our lives are and how we are as parents to Skye. We filter what we show other people, because we like to keep our lives private.”

Rocco, tanggap na second choice

Walang problema kay Rocco Nacino na hindi siya ang original choice to play the lead role sa To Have And To Hold, na tumatalakay sa napapanahong marital issues.

Ipinagpasalamat ni Rocco na tamang-tama naman sa kanya ang role na gagampanan sa serye na makakatambal niya sina Max Collins at Carla Abellana. Tamang-tama rin sa kanya ang story dahil marami siyang natutunan habang nagti-taping sila, since nagsisimula na rin sila ng wife niyang si Melissa Gohing na bumuo ng sariling pamilya.

Ang To Have And To Hold ay mapapanood na simula sa Monday, Sept. 27, sa kanilang world premiere sa GMA 7, at 8:40 p.m.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with