^

Pang Movies

Balik-pulitika, Kabayan Noli kakandidato ring senador

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Balik-pulitika, Kabayan Noli kakandidato ring senador
Noli

Wow tatahi-tahimik pala si Kabayan Noli de Castro pero kakandidato pala itong senador sa 2022.

Ayon sa source, plantsado na ang lahat at diumano ay may sasamahan na itong partido.

May blessing na rin daw ng management ng ABS-CBN na ngayon nga ay walang franchise.

So, star-studded talaga ang senatorial lineup sa 2022 election.

Pero bago ang lahat parehistro muna kayo para makaboto.

Hanggang end of this month na lang ito.

Gerald nasa isip ng lahat... Kim inaalalang nabiktima rin ng cheater

Nilinaw ni Kim Chiu na hindi siya favor sa cheating o panloloko. Ito ay matapos ngang ma-bash bash si Kim sa kanyang comment sa Reina Ng Tahanan portion ng It’s Showtime kung saan sinabi ng contestant na ilang beses siyang niloko ng kanyang mister.

Nag-dialogue si Kim ng “Baka magchi-cheat kung hindi siya na­ging masaya. Baka bubukas ‘yung mundo ng cheating kung hindi siya masaya sa partner niya.”

Kahapon ay bumawi si Kim : “Noong isang araw, hindi ako nabigyan ng chance to explain further ‘yung sinabi ko. Gusto ko lang sabihin sa lahat at linawin — hindi po ako pabor sa cheating. Never po ako talaga magiging pabor doon, dahil naging biktima din naman ako noon. It was not easy, and it was very painful.

 “Mahabang talakayan kasi ang cheating. Hindi iyon matatapos sa isang salita. Pero, again, I am not in favor of cheating, and I will never be in favor of that,” aniya kahapon.

“Nagmukhang ako ‘yung cheater! Siyempre walang may gusto masaktan, o walang may gustong niloko ka.”

Common knowledge sa showbiz na ex niya si Gerald Anderson at hindi naging normal ang breakup nila kaya siya ang pumasok sa isip ng lahat.

Angel, lumiit na ang katawan

Ang laki ng pinayat ni Angel Locsin.

Nag-flex siya ng latest selfie niya na naka-bra top with jacket. At may caption na “Remember to love every inch of you.”

As in palagay ko naman hindi na siya maiisyuhan sa kanyang katawan.

Gone are the days na trending ang healthy body niya.

vuukle comment

NOLI DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with