^

Pang Movies

Mga dating empleyado ng Kapamilya, nasa likod ng infomercial ni Yorme

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Mga dating empleyado ng Kapamilya, nasa likod ng infomercial ni Yorme
Isko

Mga dating nagtatrabaho sa ABS-CBN ang nasa likod ng infomercial ni Yormer Isko Moreno na umeere sa telebisyon bago ang kanyang deklarasyon sa kandidatura niya bilang Presidente ng bansa sa 2022.

Kahapon ay opisyal na ngang nagdeklara ang current Manila Mayor sa kandidatura niya kasama ang VP niyang si Doc Willie Ong.

Naganap ang deklarasyon sa Baseco compound sa Tondo, Manila. Limitado lang ang nakadalo ayon sa reports.

Ilang linggo na lang ang natitira at magkaalaman na kung sino ang makakatapat nina Senator Ping Lacson, Senator Manny Pacquiao, Yorme Isko bilang presidente!

Carla at Tom, November na ang kasal

November na raw ang kasal nina Carla Abellana at Tom Rodriguez!

Isinisingit ng couple to be ang preparasyon ng kanilang kasal.

At least kapag ikinasal na, asawa na talaga ang magiging papel ni Carla sa tunay na buhay na nararanasan lang niya noon sa Kapuso series na nagawa niya.

Kasama siya sa bagong Kapuso series na To Have and To Hold with Max Collins at Rocco Nacino na mas nauna sa kanyang mag-asawa.

Ayon sa director nito, ibang klase raw ng pagtataksil ang mapapanood sa kanyang series umpisa sa Sept. 27.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with