^

Pang Movies

Netizens, ang bilis magalit

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Netizens, ang bilis magalit

Alam n’yo hindi ko alam bakit ang mga tao ngayon laging galit. ‘Yung post ko kay Nadine Lustre, ang daming reaction eh ‘yung nabalita lang namang pag-stay niya sa Siargao dahil sa negosyo.

‘Yung casual na pagbati ko kay Mark Herras dahil nagpakasal na sila ni Nicole na talaga namang never kong na-meet kaya hindi ko kilala. Unfortunate na siguro hindi kami nagkikita sa GMA 7.

‘Yung issue ni Bongbong Marcos na parang hindi na matatapos.

Bakit parang ang daling magalit ngayon ng tao? Bakit kahit walang kuwentang bagay pinalalaki nila?

 Boredom? Gutom? O basta lang gustong galit sila.

Nakakatakot kasi na ‘pag mga petty na bagay ginagawang malaki, parang wala nang laman ang utak mo kaya pinapasok ng virus.

Imagine mo na dapat ‘yung anger, o galit dapat malaking bagay para ma-trigger ito sa emosyon mo. Pero kung wala namang importansiya at ikagagalit mo, parang kulang ka sa isip ‘di ba?

Affected ka ng isang bagay na dapat hindi lang pinapansin.

Kaya sa report ang daming nai-stroke, attack, dahil biglang zoom up ang presyon dahil sa galit.

Stress is a silent killer kaya dapat iniingatan. Hindi dapat nagpapadala basta-basta sa mga simpleng bagay. Small minds, kaya kahit ano lang napupuno. Pero kung ang utak mo malawak, maganda ang tingin mo sa paligid.

Make yourself happy, para maging happy rin ang buhay mo. Throw away ‘yung mga walang kuwentang bagay. Hahaba pa ang buhay n’yo.

‘Power tripping never pumasok sa utak ko’

Kahit noon pa, hindi ako matandain sa name, pero surprisingly hindi ko nalilimutan ang face ‘pag nakita ko na minsan. Kaya hindi ako napipikon ‘pag madalas ang tawag sa akin ‘Cristy (Fermin)’ dahil mas madalas napagkakamalan kaming dalawa.

Kaya never sigurong lalaki ang ulo namin ni Cristy dahil alam namin kahit gaano na kami katagal sa showbiz, hindi ibig sabihin mga celebrity kami.

There was one time nga na ga­ling ako sa Hong Kong at bago yata ang lahat ng staff sa airport dahil bago ang administration katatapos lang ng election, talagang pinapila ako sa line ng mga domestic helper na bagong dating. Hindi ako doon napikon, nainis ako sa treatment nila sa mga domestic helper, kaya tinalakan ko ‘yung lalaki na namamahala sa pila. ‘Yung ang lakas lakas ng boses na “hoy mga domestic helper dito kayo.”

Iyon ang unang pagtalak ko na I feel so good. Hah hah, na-harass ‘yung mama at panay ang ‘sorry.’ Hindi dahil hindi niya ako nakilala kundi parang ang baba ng tingin niya sa domestic helper eh mga Pilipino iyon.

Power tripping, never pumasok iyan sa utak ko. ‘Pag kailangang pumila, pipila ako, sumusunod ako sa protocol. Never kong iisipin na above ako sa iba, kung maganda ang trato, ok, kung kailangang sumunod, ok.

Hindi issue ‘yung dapat alam nila kung sino ka, dahil sino ba naman ako?  Katulad ng lahat, ordinaryo lang naman ang trabaho namin, kaya hindi dapat itu­ring na VIP. So kung hindi alam ang pangalan namin, no problem. Hindi dapat maging sensitive.

Hindi lahat dapat kilala mo o kilala ka. Walang problema kahit anong itawag sa iyo, iyon ka pa rin naman, hindi mababago.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with