^

Pang Movies

Anne, nangakong babalik sa Showtime

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Anne, nangakong babalik sa Showtime

Sa fans ni Anne Curtis na walang sawang nagtatanong kung babalik pa ba siya sa It’s Showtime, sinigurado ng aktres na malapit nang mangyari ito.

“Siyempre malapit na. I am just being very cautious din kasi minsan akala ko na nga na babalik na ako, tapos biglang aakyat ‘yung (COVID-19) cases tapos napapraning ako,” pahayag ni Anne sa kanyang interview with Boy Abunda sa KUMU.

Sey pa niya, “Dahlia is still quite young pa. I am just being very cautious muna. But soon. Babalik ako, for sure ‘yun. Babalik talaga ako for sure.”

Maging sa pag-arte ay sinigurado niyang babalik siya and in fact, nami-miss na nga raw niya especially now na marami siyang napapanood na mga TV series.

“Nami-miss ko rin talaga umarte. That’s another thing that this time has given me, nakakanood na ako ng napakaraming mga teleserye and K-dramas and mga Spanish series. I am super into it. When you watch these films and these series, as an actress, nagaganahan ako. Nami-miss ko. So I know talaga na babalik ako,” aniya.

“Who knows, maybe as early as next year, I might do a series again or a film. I think I could make it work talaga. We’ll see how things are next year,” sabi pa ng aktres.

Naaliw din kami sa sinabi niya na ang tagal daw na nakapahinga ng boses niya kaya magandang-maganda raw talaga ito ngayon.

“I just wanna tell everyone, to all our viewers here, nakapahinga po talaga ‘yung voice ko ngayon. So talagang wait for it. Talagang iba na siya ngayon, napakaganda,” sey ni Anne na ikinaaliw din ni Kuya Boy.

Jinkee, 100% ang suporta sa asawa

Mukhang handang-handa nang maging First Lady si Jinkee Pacquiao. Sa kanyang Instagram post kahapon, inihayag niya ang kanyang buong-pusong suporta sa Presidential candidacy ng mister na si Manny Pacquiao na as we all know ay opisyal nang nag-anunsyo last Sunday ng kanyang pagtanggap sa nominasyon ng kanyang Partido para kumandidatong Presidente.

Ayon kay Jinkee sa kanyang post, hindi naging madali ang desisyon ng kanyang mister at nasaksihan daw niya ang pagdarasal nito araw-araw para humingi sa Diyos ng gabay.

“Yesterday, my husband has committed himself to enter the Ring to vie for the Presidency of the Philippines. As a wife , I and our children stand beside him wholeheartedly suppor­ting him with our love prayers and confidence. It has not been an easy decision for him but his heart and love for our country calls him to,” simula ng post ni Jinkee.

“God has put another dream in his heart - a Bigger Dream not for himself or our family but for every Filipino that he so dearly loves - to help them achieve their Best Life . Manny does not claim to be perfect , be the most learned and skilled but one thing I know and have witnessed - Everyday he calls on our Almighty God seeking his wisdom knowledge and understanding.

“Bilang asawa nakita ko ang pambihirang transformation niya from Glory to Glory. Babe, The Lord redeemed you and restored you for this very purpose,” lahad pa niya.

Sa panibagong laban ng kanyang mister, ayon kay Jinkee ay ibinibigay niya ang kanyang 100% support.

“Maraming salamat sa paglaban mo para sa ating pamilya. Ngayon Im with you 100% as you fight for our country,” mensahe ni Jinkee sa asawa.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with