^

Pang Movies

Yen, ‘di pa rin nagpaparamdam

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Yen, �di pa rin nagpaparamdam
Yen

Obvious na ine-enjoy ang New York City ni LJ Reyes kasama ang kanyang dalawang anak na sina Aki at Summer after ng breakup nila ng kanyang partner of six years na si Paolo Contis.

Nasa New York ang ina ni LJ na parati niyang tinatakbuhan kapag nagkakaroon siya ng problema. Pero sa halip na magmukmok, gumagawa ang actress na paraan para makapag-move on alang-alang sa dalawang anak.

Just recently  ay dumalo si LJ sa New York Fashion Week na first time niyang ginawa kahit pabalik-balik siya sa Big Apple (New York) to visit her mom. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na makapag-pictorial sa Brooklyn.

May pinagdadaanan man ngayon si LJ, in no time at all ay muli itong babangon lalupa’t may dalawa siyang anak na umaasa sa kanya.

Samantala, hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang aktres na si Yen Santos na siyang itinuturong dahilan umano ng paghihiwalay nina LJ at Paolo.

Although ipinagtanggol ng actor na wala umanong kinalaman ang kanyang kapareha sa pelikulang A Faraway Land, marami pa rin ang hindi kumbimsido sa paliwanag ng Kapuso actor hanggang ngayon na kung saan-saan na umabot ang usapan.

Mister ni Angel, palaban

Hindi pinalagpas ng businessman, movie producer, TV director at mister ng Kapamilya actress at philanthropist na si Angel Locsin na si Neil Arce ang patutsada sa kanyang wife ng Philippine Information Office undersectary at Director General na si Ramon Cualoping III calling Angel “No brain cells” dahil lamang sa pagpapakita nito ng suporta at simpatiya sa health workers sa pamamagitan ng kanyang post sa kanyang IG account last Sept. 8.

Dahil dito, hinamon ng mister ni Angel na si Neil ang undersecretary na magkita sila one-on-one ng government official.

Nakakalungkot lamang isipin na ang mga opisyal ng pamahalaan pa ang nagpapasimula ng gulo sa halip na sila ang mag-initiate ng pagkakaisa at makuha ang simpatiya ng tao lalupa’t nasa gitna ang lahat sa krisis dala ng pandemya.

Sa halip na harapin nila ang maraming isyu na bumabalot sa ating bayan, nagiging personal ang kanilang atake.

Samantala, isa si Angel sa napakaraming pamilya na may pinagdadaanan ngayon dahil nagka-COVID ang kanyang 94-year-old blind father na si G. Angel Colmenares at kinailangang dalhin sa pagamutan sa pamamagitan ng ambulance.

Bukod sa kanyang, 10 pa nilang kapamilya ang nahawa rin ng virus.

Andrew E., pabata ang katambal!

As we write this column, nakakuha na ng 8.3M views ang movie trailer ng sexy-comedy movie na Shoot! Shoot!: Di Ko Siya Titigilan na pinagbibidahan ng veteran rapper-actor na si Andrew E. kasama ang sexy stars na sina AJ Raval at Sunshine Guimary. Ito’y mula sa direksiyon ng actor-director na si Al Tantay under Viva Films. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang ipalabas sa Vivamax streaming app at sa iba pang digital platform simula sa darating na Oct. 8.

Masaya si Andrew E. na sa kabila ng tagal na niya sa entertainment business ay nakakagawa pa rin siya ng mga pelikula with the new generation stars na pumapatok sa takilya.

Si Andrew E. ay huling napanood sa 2020 Metro Manila Film Festival movie na Pakboys Takusa na pinagsamahan nila nina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Jerald Napoles.

vuukle comment

LJ REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with