4 golds sa Hangzhou Asian Games hihigitan ng Team Philippines

MANILA, Philippines — Target ng Team Philippines na malampasan ang apat na gintong medalya na nakamit nito sa nakalipas na edisyon ng Asian Games sa Hangzhou, China.
Sasabak ang Pinoy athletes sa 2026 edisyon ng quadrennial meet sa Setyembre sa Nagoya, Japan bitbit ang misyon na makalikom ng mahigit sa apat na ginto.
Optimistiko si Team Philippines chef de mission Richard Lim na magagawa ito ng mga atleta.
Ipaparada ng Team Philippines ang solidong lineup sa pangunguna ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo ng gymnastics.
Kumpirmado rin ang paglahok ni Alex Eala na kamakailan lang ay umabot sa fourth round ng Wimbledon Championship sa London, England.
Pakay din ni Eala na masungkit ang ginto sa women’s singles.
Nariyan pa si pole vaulter EJ Obiena na dedepensahan ang kanyang korona sa Asian Games.
“It will be possible since we have our star players in Carlos Yulo, our pole vault ace EJ Obiena and your niece Alex Eala,” ani Lim sa programa ni Noli Eala na Power and Play.
Bukod pa rito ang Gilas Pilipinas na reigning Asian Games champion gayundin ang mga pambato sa weightlifting, boxing at jiu-jitsu.
Noong 2023 Hangzhou Asian Games, nakakuha ng ginto ang Team Philippines mula kay Obiena at Gilas Pilipinas gayundin kina Annie Ramirez at Meggie Ochoa ng jiu-jitsu.
Mahigit 400 atleta ang ipadadala ng Pilipinas sa Asian Games kung saan maglaaro ito sa 43 sports.
- Latest

















