^

PSN Opinyon

Sin tax? Ano ’yon?

DURIAN SHAKE - Pang-masa

“UNSANG sin tax? Unsa na?” (Sin tax? Ano ‘yon?), sabay na sumagot animo’y isang choral group ang mga kalalakihang nagtipon-tipon sa isang sari-sari store sa Bgy. Andap, New Bataan, Compostela Valley noong nakaraang Martes ng umaga.

Ang Bgy. Andap ay ang pinakamatinding tinamaan ng bagyong Pablo noong ito’y humagupit sa Compostela Valley, Davao Oriental, Surigao del Sur at Agusan del Sur noong December 4, 2012. Mahigit 1,000 ang namatay at 500 pa ang hinahanap hanggang ngayon sa Bgy. Andap.

Wala raw kamuwang-muwang ang mga taga-Barangay Andap tungkol sa sin tax at kung paano ito naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng sigarilyo at inumin.

Ang alam nila tumaas hanggang 300 percent ang halaga ng sigarilyo at inumin sa Barangay Andap dahil sa bagyong Pablo na talaga namang umabot hanggang tigatlong sticks sa halagang P5 ang Mark at Fortune cigarettes na dating 50 sentimos lang. 

Ang Vino Kulafu at Tanduay Rhum ngayon ay  P70 na kada bote  na dati ay P30 hanggang P40 lang.

Ngunit walang pakialam ang mga taga-Bgy. Andap dahil nga kailangan daw nilang manigarilyo upang malabanan ang ginaw ng panahon na dulot ng inter-tropical zone at ng low pressure area na nagdadala ng walang-hintong ulan sa nasabing lugar.

Ayon kay Angel Tilangco, 48, na  may anim na anak, kahit kapos siya sa pera, hindi pa rin daw siya titigil sa paninigarilyo niya.

Titigil lang daw ang mga taga-Bgy. Andap sa paninigarilyo at sa bisyo nilang pag-iinom kung mauubusan sila ng pera.

Hindi na nga alintana ng mga katulad ni Angel ang problema sa kakulangan ng pera o kung ano mang disaster ang tatama ulit sa kanila basta’t nakakabili pa rin sila ng sigarilyo at inumin sa iilang sari-sari stores na naiwang nakatayo sa Bgy. New Andap.

 

vuukle comment

ANDAP

ANG BGY

ANG VINO KULAFU

ANGEL TILANGCO

BARANGAY ANDAP

BGY

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO ORIENTAL

NEW ANDAP

NEW BATAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with