^

Probinsiya

Tanod rumesponde sa away sa birthday, kinatay!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Tanod rumesponde sa away sa birthday, kinatay!
Kinilala ang biktima sa alyas “Noel”, residente at aktibong tanod ng Barangay Talaba sa Bacoor City anod
Pixabay / File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang barangay tanod na rumesponde sa kagulungan sa isang birthday party matapos siyang saksakin sa dibdib ng isa sa tatlong nagwawalang lasing sa Costal Road sa Brgy. Talaba 3, Bacoor City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima sa alyas “Noel”, residente at aktibong tanod ng Barangay Talaba sa Bacoor City anod

Nadakip naman ang tatlong suspek na may mga alyas na Chris, John at Drew, pawang residente sa nasabing lugar, sa isinagawang follow-up operation ng pulisya at barangay.

Base sa ulat, alas-12 ng hatinggabi nang maganap ang insidente kung saan dumalo ang mga suspek sa isang birthday party sa lugar.

Dahil sa mga ­lasing na, nagkaroon ng kaguluhan sa nasabing party. Agad itong inireport sa Barangay lung saan ang biktima ang unang rumes­ponde dito.

Pagresponde ng biktima, nakita nito ang tatlong suspek na walang mga suot na pang-itaas at may mga takip ang mukha gamit ang kanilang mga t-shirt.

Papalapit pa lamang ang biktima upang kausapin ang tatlo pero sinalubong na siya ng isa sa mga suspek at ­inundayan ng saksak sa dibdib.

Dumating din ang iba pang mga miyembro Patrol Bayanihan na kasamahan ng biktima sa lugar at nagkaroon nang habulan matapos na magsitakas ang mga suspek.

Sa pagdating ng mga police mobile patrol at SWAT, agad nilang tinugis ang mga suspek na nagtangka pang dumaluhong ng saksak sa mga pulis.

Gayunman, makalipas ang ilang minutong habulan, nasukol ang tatlong suspek. Nang kapkapan ay nakum­piskahan ang isa sa mga suspek ng 0.33 gramong shabu na may halagang P2,244.00. Nakuhanan din ang dalawa ang marijuana na may timbang na 2.09 gramo.

COSTAL ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with