Brown dinala ng Celtics sa 76ers

BOSTON — Pumayag ang Celtics na ibigay si star guard Jaylen Brown sa Philadelphia 76ers kapalit ni Paul George kasama ang dalawang first-round picks (2028, 2031) at dalawang second-round selections (2028, 2030) sa isang blockbuster trade.
Nauna nang inalok ng Boston si Brown dagdag ang dalawang unprotected first-round picks sa Milwaukee Bucks para makuha si Giannis Antetokounmpo.
Ngunit pinili ng Bucks na makipag-trade sa Miami Heat.
Tinulungan ni Brown, isang five-time All-Star at ang 2024 Eastern Conference Finals at NBA Finals MVP, ang Celtics na makamit ang ika-18 korona katambal si Jayson Tatum.
Kumamada si Brown ng mga averages na 28.7 points, 6.9 rebounds at 5.1 assists per game para sa Boston.
Sa paglipat ni Brown sa 76ers ay makakasama niya sina Joel Embiid, Tyrese Maxey at VJ Edgecombe.
Maglalaro naman ang 36-anyos na si George, ang nine-time All-Star, sa Celtics na kanyang pang-limang NBA team.
Samantala, lalagda si free agent center Mitchell Robinson, kasama ng New York Knicks sa pagkopo sa NBA title, sa Boston sa isang three-year, $47.4 million deal.
Sa Los Angeles, kinuha ng Lakers sina center Walker Kessler, Sandro Mamukelashvili, Quentin Grimes at Collin Sexton isang araw matapos umalis si LeBron James.
Sa San Antonio, pipirma si free agent forward Tobias Harris sa Spurs sa isang two-year, $31 million deal.
- Latest






















