Meralco amoy na ang semis

umira ng jumper si Allein Maliksi ng Meralco laban kay Robbie Herndon ng NLEX.
PBA Image

MANILA, Philippines — Bumangon ang Meralco mula sa isang 12-point deficit sa first half para talu­nin ang NLEX, 97-93, sa Game One ng kanilang quar­terfinals series sa Season 48 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Isinalpak ni Allein Ma­lik­si ang dalawang free throws sa huling 9.6 segundo para sa 1-0 lead ng Bolts sa kanilang best-of-three showdown ng Road Warriors.

Tumapos si Maliksi na may 22 points para sa Me­ralco, habang may 15 at 14 markers sina Raymond Almazan at Anjo Caram, ayon sa pagkakasunod.

Nagdagdag sina Chris Newsoe at Chris Banchero ng tig-12 points.

Nasayang ang career-high 48 points ni Robert Bo­lick sa panig ng NLEX

Ang dalawang charities ni Bolick ang nagbigay sa Road Warriors ng 49-37 abante sa 3:02 minuto ng second period.

Ngunit unti-unting naka­lapit ang Bolts hanggang ma­agaw ang 81-75 kalamangan sa 8:41 minuto ng fourth quarter.

Huling natikman ng NLEX ang unahan sa 93-92.

Show comments