^

PSN Palaro

Paalam pasok sa q’finals ng Boxam Elite

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Paalam pasok sa q�finals ng Boxam Elite
Dumiretso ang pambato ng Cagayan de Oro sa quarterfinals at nakatak­dang labanan si Cuban Ewart Andres Marin Hernandez na tumalo kay Frenchman Samuel Kistohurry, 4-1.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kaagad sumuntok ng panalo si Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam sa Boxam Elite Tournament matapos ta­lunin si Mexican Migiel Fernando Vega, 4-1, sa men’s -57-kilogram sa La Nucia, Spain kamakalawa.

Dumiretso ang pambato ng Cagayan de Oro sa quarterfinals at nakatak­dang labanan si Cuban Ewart Andres Marin Hernandez na tumalo kay Frenchman Samuel Kistohurry, 4-1.

Bukod kay Paalam, hangad din ni Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio ang kanyang ikalawang sunod na Olympics appearance.

Haharapin ni Petecio sa una niyang laban si Sthelyne Grosy ng France sa women’s 57kg division.

Si Tokyo Olympics bron­ze medal winner Eumir Felix Marcial pa lamang ang nakapagbulsa ng tiket para sa 2024 Paris Olympics na nakatakda sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11.

Kagaya ni Paalam, nag­tala rin ng panalo sa una niyang laban sa Boxam Elite Tournament si Mark Ashley Fajardo matapos gibain si Yassine Arfa ng Belarus, 5-0, sa men’s 64.5kg class.

Haharapin ng 19-anyos na tubong Cebu City sa second round si Cameron McKay ng England.

Ang iba pang sasalang sa aksyon ay sina Rogen Ladon (men’s 51kg), Ronald Chavez Jr. (men’s 71kg), Aira Villegas (wo­men’s 50kg), Riza Pasuit (women’s 60kg) at Hergie Bacyadan (women’s 75kg).

vuukle comment

TOKYO OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with