^

PSN Palaro

Rhenz Abando ok na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Rhenz Abando ok na
Rhenz Abando.
FIBA

MANILA, Philippines — Nasa magandang kundisyon na si Rhenz Abando matapos magtamo ng injury sa laro ng Anyang Jung Kwan Jang Red Boosters sa Korean Basketball League (KBL).

Naglabas si Abando ng video upang ipakita sa kanyang mga tagasuporta ang kanyang kasaluku­yang kalagayan.

Sinabi ni Abando na walang dapat ipangamba dahil nakakarekober na ito matapos ang masamang pagbagsak sa laro ng Anyang.

Nagpasalamat si Abando sa mga supporters nito na patuloy na nananala­ngin sa kanyang mabilis na paggaling.

“I just wanna say ‘hi’ to JKJ fans and to my Filipino fans. Wishing you nothing but the best this year and thank you for supporting me,” ani Abando sa video message na nakapost sa social media ng Anyang Jung Kwan Jang Red Boosters.

Matatandaang nagtamo si Abando ng multiple head, spine at wrist injuries nang makabanggaan nito si Goyang Sono import Chinanu Onuaku sa laro noong Disyembre 28.

Dahil sa nangyari, pinata­wan si Onuaku ng 3 million won o katumbas lamang ng mahigit P120,000. Hindi nasuspinde si Onuaku.

Kaya naman sumugod ang ilang supporters ng Anyang sa KBL headquarters nito sa Seoul para iprotesta ang magaan na parusang ibinigay kay Onuaku.

Hindi nadepensahan ni Abando ang kanyang KBL Slam Dunk crown sa All-Star festivities kahapon sa Goyang, Gyeonggi.

vuukle comment

ABANDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with