^

PSN Palaro

F4 slot nasikwat ng Lady Blazers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mabilis na dinispatsa ng College of Saint Benilde ang Jose Rizal University, 25-13, 25-21, 25-9, upang masikwat ang unang tiket sa Final Four ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 97 women’s volleyball tournament kahapon sa Paco Arena  sa Maynila.

Nagpakawala si Jade Gentapa ng 16 puntos mula sa 14 attacks at dalawang aces upang buhatin ang Lady Blazers sa ikapitong sunod na panalo para mapatatag ang kapit sa No. 1 spot.

Dalawang panalo na lamang ang kailangan ng Benilde para makumpleto ang matamis na sweep sa eliminasyon.

Kung mawawalis ng Lady Blazers ang lahat ng siyam na asignatura nito, awtomatiko itong uusad sa finals.

Nagdagdag naman si Michelle Gamit ng 12 puntos kabilang ang apat na aces habang naglista sina Gayle Pascual, Mycah Go at Cristy Ondangan ng tig-pitong puntos.

Dominado ng Benilde ang buong panahon ng laro matapos maglista ng 44 attacks laban sa 25 lamang ng Jose Rizal.

Nakaungos ng bahag­ya ang Lady Bombers sa blocks (6-4) subalit humataw ng walong kabuuang aces ang Lady Blazers sa labang tumagal lamang ng 67 minuto.

Nakakuha pa ng 19 libreng puntos ang Benilde sa mga errors ng Jose Rizal.

“I just told them to play well so we can make a headstart. We just have to play our best,” pahayag ni Saint Benilde head coach Jerry Yee.

Nahulog ang Lady Bombers sa 3-4 marka.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with