^

PSN Palaro

Lady Bulldogs swak sa Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Bulldogs swak sa Finals
Inatake ni Alyssa Solomon ng Lady Bulldogs ang de­pensa ng Tigresses.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Napaamo ng National University ang University of Santo Tomas, 25-22, 29-27, 25-17, upang makumpleto ang sweep at awtomatikong umabante sa finals ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Apat na players ng Lady Bulldogs ang nagtala ng double digits sa pangunguna nina Princess Robles at Michaela Belen para masikwat ng kanilang tropa ang 14-0 record.

Pumalo si Robles ng 13 points mula sa 10 attacks, 2 blocks at 1 ace, habang muling naglatag ng all-around game si Belen na may 12 points, 21 receptions at 11 digs.

Naglista pa si Alyssa Solomon ng 12 hits, habang may 11 si Sheena To­ring para sa NU.

Ito ang unang finals appearance ng NU sa loob ng ilang dekada at ito rin ang unang pagkakataon na na-sweep ang eliminasyon sapul nang magawa ito ng Ateneo dLady Eagles noong Season 77.

Nahulog ang Golden Tigresses sa 9-5 marka at nawala ang tsansa sanang makamit ang No. 2 spot bitbit ang ‘twice-to-beat’ advantage.

Umiskor si Eya Laure ng 13 points para sa UST.

Ginulantang ng Adam­son University ang La Salle, 25-23, 17-25, 25-16, 26-24, para sa 8-6 marka.

Nakakuha ng puwersa ang Lady Falcons kay Trisha Genesis na may 20 points.

Bagsak ang Lady Spi­kers sa 10-4 marka suba­lit napanatili ang hawak sa No. 2 spot taglay ang ‘twice-to-beat ‘ edge sa stepladder semifinals.

Sa unang laro, itinala ng University of the East ang unang panalo nang igupo ang Far Eastern University, 25-22, 22-25, 25-21, 25-21.

vuukle comment

NU

UAAP

UST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with