^

PSN Palaro

Lady Eagles nakatikim na ng panalo

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Lady Eagles nakatikim na ng panalo
Tumikada si Nisperos ng 14 points mula sa 11 spikes, dalawang service aces at isang block upang tuldukan ng Ateneo ang three-game losing skid at ilista ang 1-3 karta.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nadagit din ng defen­ding champions Ateneo Blue Eagles ang unang panalo matapos silang akayin ni Faith Nisperos kontra sa Far Eastern University Lady Tamaraws, 25-16, 25-14, 25-14, sa UAAP Season 84 wo­men’s volleyball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, kahapon.

Tumikada si Nisperos ng 14 points mula sa 11 spikes, dalawang service aces at isang block upang tuldukan ng Ateneo ang three-game losing skid at ilista ang 1-3 karta.

Nakatuwang ni Nisperos sina Jaja Maraguinot at Lyann De Guzman para walisin sa tatlong sets ang Lady Tamaraws na nalasap ang pangatlong talo sa apat na salang.

Ipinaramdam agad ng Blue Eagles ang kanilang lakas sa unang set matapos nilang tukain ang 25-16 panalo.

Nauna rito, kinapitan ng  National University Lady Bulldogs ang bangis ni Sheena Toring upang sakmalin ang University of the East Lady Warriors, 25-11, 25-20, 25-13.

Humarabas si Toring ng 13 puntos kasama ang walong blocks para tulu­ngan ang NU na ilista ang ika-4 na sunod na panalo.

vuukle comment

ATENEO BLUE EAGLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with