^

PSN Palaro

Sotto nagbalik sa bansa

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sotto nagbalik sa bansa
Kai Sotto

MANILA, Philippines — Balik-Pilipinas muna si Kai Sotto bago harapin ang matinding pagsubok na pagdaraanan niya sa mga aktibidad ng NBA Rookie Draft na nakatakda sa Hunyo 23 sa Brooklyn.

Sariwa pa ang 7-foot-3 PInoy cager sa kampanya sa Australia National Bas­ket­ball League (NBL) kung saan nasibak sa kontensyon ang kanyang tropang Adelaide 36ers.

Kaya naman sinamantala ni Sotto na makabalik sa Pilipinas para makasama ang ilang kamag-anak at malalapit na kaibigan ba­go tumulak pa-Amerika para sa draft activities.

Nakasama ni Sotto ang kanyang ninong Rani­del De Ocampo at ilang ma­lalapit na kaibigan ng kanyang amang si Ervin.

Nasilayan din si Sotto na nanood ng live sa bak­ba­kan ng Ateneo Blue Eagles at UP Fighting Ma­roons sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament noong Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Suportado ni Sotto ang mga dati niyang katropa sa Blue Eagles noong naglalaro pa ito para sa Ateneo sa juniors’ division.

Noong nakaraang linggo ay nagdeklara si Sotto na sasali sa NBA rookie draft sa taong ito kung saan usap-usapan na sa social me­dia na may mga NBA teams na interesadong ku­nin ang Pinoy cager.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with