^

PSN Palaro

Laban ng Lahi Platoon Run Challenge inilunsad ni Pogoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling inilunsad ang Laban ng Lahi Platoon Run Challenge ng Camboayan Sports para sa patuloy na pagtulong sa mga livelihood at community pro­jects sa mga lalawigan ng Mindanao.

Hangad ni founder at organizer Joenel Pogoy na makabuo ng 100,000 kalahok ngayong 2022 katulong ang Prai Partylist.

Bukas para sa lahat ang marathon event na nakatakda sa Abril kung saan sasalang din ang mga foreign platoon runners bukod sa mga local competitors.

Tatakbuhin ng mga kalahok ang 23 kilo­metrong distansiya na may nakalatag na pitong adventure challenges, ayon kay Pogoy sa kanyang pagbisita sa TOPS Usapang Sports via zoom na itinataguyod ng PSC, GAB at PAGCOR.

Sinabi ni Pogoy na sa sandaling may isang mi­yembro ng platoon na hindi makatapos sa pagtakbo ay papatawan ito ng team penalty.

Tampok naman sa side event ang pagkain ng mga bisita ng 1 kilometro haba na litsong baboy at 500 metrong haba ng litsong pabo na tiyak na magsisilbing kapistahan sa isang siyudad sa Mindanao.

Idaraos ang qualification challenge sa Abril at sa Setyembre ang National Finals sa Bislig City habang ang pinal na Laban ng Lahi Platoon Run Olympics ay sa Disyembre 16-18.

vuukle comment

RUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with