SEAG gold naman ang target ng Philippine women’s football team
MANILA, Philippines — Matapos magkwalipika sa FIFA World Cup, puntirya naman ng Malditas na masungkit ang gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Mayo sa Hanoi, Vietnam.
Desidido ang Malditas na makaresbak sa SEA Games matapos pumang-apat noong 2019 edisyon na ginanap sa Pilipinas.
Isang malakas na lineup ang ipaparada ng Pilipinas na binubuo ng parehong koponang bahagi ng FIFA World Cup team.
Magandang preparas-yon din ito para sa Malditas bilang paghahanda sa FIFA World Cup sa susunod na taon.
“I think if they see the importance of the SEA Games, because we will tell them na wala pa tayong gold ever since sa football, hopefully this will be history also in the SEA Games. Dapat sabihin natin ‘yun,” ani PFF president Nonong Araneta.
Target ng Malditas na makaresbak sa mga Southeast Asian rivals nito sa SEA Games.
Matatandaang natalo ang Pilipinas sa Vietnam sa semifinals sa iskor na 0-2. Yumuko rin ang Malditas sa Myanmar sa battle-for-bronze match sa iskor na 1-2 para mahulog sa No. 4 spot.
- Latest