^

PSN Palaro

Giannis bida sa panalo ng Bucks vs 76ers

Pilipino Star Ngayon
Giannis bida sa panalo ng Bucks vs 76ers
Giannis Antetokounmpo.
Ronald Martinez / Getty Images / AFP

MANILA, Philippines — Muling binanderahan ni Giannis Antetokounmpo ang nagdedepensang Milwaukee Bucks, habang pinutol ng Utah Jazz ang kanilang dalawang sunod na kamalasan.

Nagposte si Anteto-kounmpo ng 31 points at 16 rebounds at may 25 markers si Grayson Allen sa 118-109 pananaig ng Bucks (5-6) laban sa 76ers (8-4) sa kanilang sagupaan sa Philadelphia.

Nagdagdag si Bobby Portis ng 19 points para sa Milwaukee na bumisita kay US President Joe Biden sa White House kamakalawa.

Ito ang ikalawang panalo ng Bucks sa huli nilang pitong laban.

Muling naglaro ang 76ers na wala si four-time All-Star Joel Embiid dahil sa NBA health and safety protocols kasama sina Tobias Harris, Matisse Thybulle at Isaiah Joe.

Nagsalpak sina Portis at Pat Connaughton ng magkasunod na triples para sa 107-102 bentahe ng Milwaukee, habang ang tres ni Allen ang tuluyang nagbaon sa  Philadelphia  sa 114-107 sa huling 1:30 minuto ng fourth quarter.

Umiskor si Tyrese Maxey ng 31 points sa panig ng 76ers.

Sa Salt Lake City, humataw si Donovan Mitchell ng 27 points para igiya ang Jazz (8-3) sa 110-98 panalo sa Atlanta Hawks (4-8).

Nag-ambag sina Fil-Am Jordan Clarkson at Bojan Bogdanovic ng tig-16 points para sa Utah at humablot si center Rudy Gobert ng 14 rebounds.

Naglista si Kevin Huer­ter ng 28 points para sa Hawks, habang may 27, 16 at 13 markers sina Trae Young, Cam Reddish at Clint Capela, ayon sa pagkakasunod.

Sa Los Angeles, nagsumite si Paul George ng 24 points, 9 rebounds at 7 assists para tulungan ang Clippers (6-4) sa 117-109 pagdaig sa Portland Trail Blazers (5-6).

Nagsalansan si star guard Damian Lillard ng 27 markers, 6 assists at 5 boards sa panig ng Bla­zers.

vuukle comment

JAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with