^

PSN Palaro

Hotshots aminadong mapapalaban sa Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kakayod na ng husto ang Magnolia Hotshots sa training nito dahil alam ng tropa na mapapalaban ito sa oras na magsimula ang best-of-seven championship series sa PBA Season 46 Philippine Cup.

Kaya naman gumagawa na ng game plan ang Hotshots lalo pa’t alam ng koponan na underdog ito sa finals.

Nariyan naman sina Calvin Abueva, Ian Sangalang, Paul Lee at Mark Barroca na tunay na maaasahan ng Hotshots

Subalit malaki ang magiging papel ng iba pang miyembro ng tropa para mas maging solido ang laro nito sa finals.

Kabilang sa mga susuporta sina Jio Jalalon, Rome dela Rosa at Justin Melton na naasahan ng husto ng Hotshots sa kanilang semifinals series laban sa Meralco Bolts.

Sa huling laro ng Hotshots, nagtala si Dela Rosa ng 16 points tampok ang 4-of-5 shooting sa three-point area habang kumana ng ilang krusyal na baskets si Melton para makuha ang panalo.

Masaya si Sangalang na nakakakuha ng suporta ang Hotshots sa mga katropa nito.

“Justin and Rome, more than the quality minutes they provided in offense, it was their defense which carried us. They were the ones who made our Game 6 victory happened,” ani Sangalang.

Umaasa si Victolero na maipagpapatuloy ng kanyang bataan ang magandang inilalaro nito sa finals.

“Ito ang ikatlong finals appearance ng Hotshots sa huling apat na seasons ng liga.

vuukle comment

HOTSHOTS

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with