^

PSN Palaro

Pacquiao ‘di nangalawang!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Roach bilib sa unang araw ng training

MANILA, Philippines — Saludo si trainer Freddie Roach sa matikas na ipinamalas ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa opening day ng puspusang pagsasanay nito sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

Bilib si Roach sa ma­gan­dang porma ng pa­ngangatawan ng Pinoy champion na pormadung pormado sa kabila ng ma­habang panahon na pahinga.

Lutang na lutang ang mabagsik na kamao ni Pacquiao sa videong inilabas nito sa social media.

Hindi nakitaan ng pa­ngangalawang si Pacquiao na mabilis pa rin ang footwork at hindi makikitaang nasa edad 42-anyos na.

Dahil dito, mataas na grado ang nakuha ni Pacquiao mula kay Roach.

“He’s really sharp on his frist day,” wika ni Roach na masayang mu­ling nakasama si Pacquiao matapos ang ilang buwang pagkakatengga dahil sa pandemya.

Magsasalpukan sina Pacquiao at reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Fe­deration (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto 22 (Manila time) sa Las Vegas, Nevada.

Target ni Pacquiao na makuha ang 100 porsiyentong kundisyon dahil alam nitong hindi basta-basta kalaban ang tulad ni Spence.

vuukle comment

FREDDIE ROACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with