Bumuhos ang pagbati kay Valdez
28 na ang volleyball star
MANILA, Philippines — Bumuhos ang mainit na pagbati kay volleyball star Alyssa Valdez na nagdiwang ng kanyang ika-28 kaarawan kahapon.
Nangunguna na sa listahan ang kasintahan nitong si NLEX Road Warriors ace Kiefer Ravena na may sweet na mensahe sa kanyang post sa social media.
“Happiest birthday to one of the strongest, most humble and most generous human beings i know. You inspire a lot of people with mere presence and make them better,” ani Ravena.
Binanggit din nito ang kanilang alagang aso na sina Blake at Louis na itinuturing na nilang anak.
Kasalukuyang nasa training bubble si Valdez kasama ang Creamline Cool Smashers kaya’t nagdiwang ito ng kaarawan kasama ang kanyang teammates.
“Enjoy your Bubble Birthday Bash, babe! We are blessed to have you in our lives. Continue to be the great person, daughter, leader, friend, partner that you truly are. Happiest Birthday, Sexbomb Alyssa. I love you,” pagtatapos ni Ravena.
Nagpaabot din ng pagbati ang ina ni Ravena na si Mozzy habang may kani-kanyang pagbati rin ang ilang volleyball stars gaya nina Michele Gumabao, Ella De Jesus, Celine Domingo at Tots Carlos.
- Latest