Pagpapaliban sa Vietnam SEAG pagbobotohan ngayon
MANILA, Philippines — Malalaman ngayon kung matutuloy o ililipat sa susunod na taon ang pagdaraos ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam na orihinal na nakatakda sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.
Sa pamamagitan ng isang video conference ay magbobotohan ang 11 member countries, ayon kay Olympic Council of Malaysia (OCM) president Tan Sri Norza Zakaria.
“The SEA Games Federation (SEAGF) have called for a video conference on June 9 with all national Olympic councils to discuss this matter (postponement),” ani Zakaria.
Itataya ng Pilipinas ang overall crown na nakopo noong 2019 edition.
Kung magkakaisa ang 11 member countries ay posibleng maitakda ang SEA Games sa Marso ng susunod na taon.
Kinumpirma ng OCM ang kahilingan ng Vietnam na ipagpaliban ang pagdaraos ng biennial games bunga ng pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang bansa.
Nakapagtala ang Vietnam ng 500 bagong COVID-19 positive cases araw-araw noong Mayo bago ito bumaba sa 200 kaso ngayong buwan.
- Latest