Brazilian volleyball coach may misyon sa Pinas
MANILA, Philippines — Tiwala si Brazilian coach Jorge Edson Souza de Brito na mapapaangat niya ang women’s national team ng Pilipinas na sasabak sa mga international tournaments.
Dalawang taon na hahawakan ni Souza de Brito ang women’s team kung saan unang trabaho nito ang tulu-ngang makabalik sa Top 3 ang Pinay spikers sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Vietnam sa Nobyembre.
“I could be the fatherly-type, but I want to push myself and the team, to work hard to achieve goals,” ani Souza de Brito.
Maganda ang rekord ni Souza de Brito.
Bahagi ito ng men’s volleyball team ng Brazil na nakasungkit ng gintong medalya noong 1992 Barcelona Olympics.
Marami na rin itong nahawakang volleyball clubs sa iba’t ibang bansa gaya ng Turkey at Japan.
Makakasama ni Souza de Brito sa national team coaching staff si Odjie Mamon.
“I’m very happy to have this chance to come to the Philippines, it’s an honor. I love volleyball and I love the passion Filipinos have for volleyball. They love the sport so much—and there are a lot of fans,” ani Souza de Brito.
Sinimulan nang panoorin ni Souza de Brito ang ilang videos ng mga laro ng national team partikular na noong 2019 SEA Games.
Pinanood din ni Souza de Brito ang ginanap na national tryouts noong nakaraang linggo upang maging pamilyar ito sa mga hahawakan niyang players.
May bahagyang kaalaman na rin ito tungkol sa Pilipinas dahil sa mga kuwento ni Leila Barros na dating miyembro ng Brazilian national team na sumikat sa Pilipinas noong 1999 at 2000 edisyon ng FIVB Grand Prix.
“Leila once told me that if ever it struck my mind to move elsewhere, I should be moving to the Philippines,” dagdag ni Souza de Brito.
- Latest