^

PSN Palaro

Thompson pumirma na sa Ginebra

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Thompson pumirma na sa Ginebra
Scottie Thompson
PBA FB Page

MANILA, Philippines — Mahaba-habang panahon pa ang pananatili ni Scottie Thompson sa kampo ng Barangay Ginebra Gin Kings.

Ito ay matapos pu­mirma ang dating University of Perpetual Help System Dalta standout ng sariwang three-year maximum deal contract sa Gin Kings.

Inihayag ni Thompson ang magandang balita sa kanyang social media account kung saan nagpa­salamat ito sa pamunuan ng San Miguel Corporation sa tiwalang ibinigay sa kanya.

“Maraming salamat boss Alfrancis Chua #NSD,” ani Thompson sa post nito sa Instagram.

Matatapos na ang kontrata ni Thompson sa Agosto.

Mapapasama na sana ito sa listahan ng mga nasa free agent kung saan maaari na itong pumili ng koponang mag-aalok sa kanyang serbisyo.

Ngunit hindi na ito hinintay pa at agad na lumagda sa three-year kahapon sa opisina ng San Miguel sa Ortigas.

Inamin ni Danny Espiritu, ang humahawak kay Thompson, na mismong ang mahusay na guard ang humiling sa pamunuan ng SMC para mabigyan ng extension.

Agad naman itong tinugunan ng management.

Kaya’t malaki ang pasasalamat nito sa panibagong kontratang ibinigay sa kanya ng Barangay Ginebra.

Limang beses na itong nagkampeon kasama ang Gin Kings — noong 2016 Governors’ Cup, 2017 Governors’ Cup, 2018 Commissioner’s Cup, 2019 Governors’ Cup at 2020 Philippine Cup.

Itinanghal pa itong Finals MVP noong 2018 Commissioner’s Cup.

Samantala, ibinigay ng Barangay Ginebra si Jerrick Balanza sa NorthPort kapalit ng No. 1 pick sa se­cond round sa PBA Annual Rookie Draft na idaraos sa Linggo.

Inaprubahan ng pamunuan ng PBA ang natu­rang trade kahapon.

vuukle comment

SCOTTIE THOMPSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with