^

PSN Palaro

Bucks nagpaulan ng 29 triples kontra Heat

Pilipino Star Ngayon
Bucks nagpaulan ng 29 triples kontra Heat
Isinalpak ni Bucks star Khris Middleton ang kanyang ika-apat na tres laban kay Heat star Duncan Robinson
STAR/File

Warriors pinatumba ang Pistons

MIAMI - Nagposte ang Milwaukee Bucks ng isang NBA record.

Kumonekta ang Bucks ng record na 29 three-point shots para angkinin ang 144-97 panalo kontra sa reigning Eastern Confe­rence champion Miami Heat kahapon.

“Some nights the basketball gods are with you a little bit, and it’s probably one of those nights for us,” sabi ni Bucks coach Mike Budenholzer.

Nagsalpak ang Milwaukee ng 29-for-51 clip sa 3-point range dalawang gabi matapos magtala ng masamang 7-for-38 shoo­ting sa kanilang pagkatalo sa New York Knicks.

Sa 13 players ng Bucks ay tanging si two-time reig-ning MVP Giannis Anteto­kounmpo, tumapos na may 9 points, lamang ang hindi nakapagpasok ng triple.

Kumamada si Khris Middleton ng 25 points at may 24 at 17 markers sina Jrue Holiday at Donte DiVincenzo, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan ni Tyler Herro ang Heat sa kanyang 23 points habang hindi naglaro si Jimmy Butler dahil sa kanyang sprained right ankle.

Sa Detroit, humugot si Andrew Wiggins ng 11 sa kanyang 27 points sa huling 7:41 minuto ng fourth period para akayin ang Golden State Warriors sa 116-106 pagdaig sa Pistons.

Pinangunahan ni Stephen Curry ang Warriors sa kanyang 31 points habang may 14 at 10 markers sina Kelly Oubre Jr. at Eric Paschall, ayon sa pagkakasunod.

Sa Philadelphia, humakot si center Joel Embiid ng 29 points t 16 rebounds para igiya ang 76ers sa 100-93 paggupo sa Toronto Raptors.

Nagdagdag si Tobias Harris ng 26 points at 11 rebounds para sa 3-1 baraha ng Philadelphia, nakahugot kina Seth Curry at Ben Simmons ng 17 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

Sa Indianapolis, bumangon ang Boston Cel­tics mula sa 17-point deficit para balikan ang Indiana Pacers, 116-111.

Umiskor si Jayson Tatum ng 14 sa kanyang 27 points sa final quarter para sa Boston at nag-ambag si Jaylen Brown ng 20 points kasunod ang 17 markers ni Marcus Smart.

vuukle comment

MILWAUKEE BUCKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with