^

PSN Palaro

Sotto may bagong tahanan sa G League

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sotto may bagong tahanan sa G League
Kai Sotto
Courtesy of Chooks-to-Go

MANILA, Philippines  — May bagong tahanang mamahalin si Kai Sotto sa pagsabak nito sa NBA G League.

Sasalang si Sotto kasama ang kanyang tropang Ignite.

Ngunit hindi naman ma­wawala ang homecourt sa anumang basketball team.

Kaya naman masaya ang 7-foot-2 Pinoy cager nang pormal na nitong masilayan ang kanilang homecourt sa NBA G League.

Nasa Walnut Creek, California ang magiging homecourt ng Ignite.

Hanga si Sotto sa kanyang bagong tahanan na itinuturing nitong isa sa pinakamagandang basketball court na nakita nito sa kanyang buong basketball career.

Dahil sa ganda ng ve­nue, mas lalong magiging inspiradong mag-ensayo si  Sotto upang makatulong sa kanyang koponan sa oras na magsimula na ang liga.

“This court is really nice, probably the best I’ve seen, the best I’ve been in and I’m just more than blessed and grateful to be having this kind of court as homecourt and to practice in,” ani Sotto.

Bagong-bago ang venue.

At hindi rin maiwasan ng kanyang mga katropa gaya nina Filipino-American Jalen Green, Jonathan Kuminga, Daishen Nix, Princepal Singh at I­saiah Todd na humanga sa kanilang homecourt.

Nakaabang ang lahat sa magiging tambalan nina Sotto at Green sa NBA G League.

Naniniwala ang ilang basketball experts at analysts na malaki ang potensiyal ng dalawang players na makapasok sa NBA.

Handa naman sina Sotto at Green na ibigay ang lahat at magpasiklab sa NBA G League na magsisilbing tungtungan nito para maabot ang inaasam na NBA dream.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with