^

PSN Palaro

Ayo bawal na rin sa NCAA?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ayo bawal na rin sa NCAA?
Naglabasan na ang ilang ulat na nagkasundo ang lahat ng member schools ng pinakamatandang liga na huwag nang tanggapin si Ayo sa kanilang athletic department.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isa na namang dagok ang nakaabang kay dating University of Santo Tomas (UST) head coach Aldin Ayo dahil posibleng hindi na ito makabalik sa NCAA — ang kanyang unang collegiate league sa kanyang coaching career.

Naglabasan na ang ilang ulat na nagkasundo ang lahat ng member schools ng pinakamatandang liga na huwag nang tanggapin si Ayo sa kanilang athletic department.

Ayon sa sources, nais lamang itong gawing isang sikretong kasunduan ng 10 teams sa liga.

Pinagbasehan ang ginawang paglabag ni Ayo sa isyu ng “training bubble” na pinangunahan nito sa Sorsogon kasama ang Growling Tigers.

Ito ang naging batayan ng UAAP upang ilapat ang indefinite ban kay Ayo.

Nakasaad sa pahayag ng UAAP na inilagay ni Ayo sa panganib ang  mga student-athletes na karamihan ay may edad na 21-anyos pababa.

Tila tumatak ito sa ilang NCAA officials kaya’t ayaw na nilang mangyari ito sa kanilang mga koponan, ayon pa sa mga sources.

Ngunit wala pang opis­­yal na statement ang NCAA tungkol sa isyu nito.

Kaya’t maaari pa ring makapag-coach si Ayo sa liga sa mga susunod na taon sa mga panahong humupa na ang isyu.

Nakatakdang umapela si Ayo sa UAAP Board of Managing Directors (BDM) para irekonsidera ang na­ging desisyon ng UAAP Board of Trustees (BOT).

Ang UAAP BDM ang nagbigay ng rekomendasyon sa UAAP BOT na siya namang naglabas ng pinal na desisyon.

Nagbitiw na bilang head coach si Ayo noong Set­yembre 4.

Posible pa namang humawak ng koponan si Ayo sa iba pang liga gaya ng PBA at MPBL dahil wala pa itong statement sa isyu.

Sa NCAA nagsimula si Ayo nang pamunuan nito ang Colegio de San Juan de Letran sa kampeonato noong 2015 bago lumipat sa UAAP noong 2016 season sa kampo ng De La Salle University.

Matapos ang dalawang seasons sa Green Archers, nagtungo ito sa Growling Tigers noong 2018.

vuukle comment

ALDIN AYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with