^

PSN Palaro

Indonesia ‘di nabigyan ng libreng tiket

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasama ng Pilipinas at Japan ang Indonesia bilang mga hosts ng 2023 FIBA World Cup.

Subalit inihayag ng FIBA, ang international basketball federation, na hindi nakatanggap ang Indonesia ng direct qualification.

Ayon sa FIBA, kaila­ngan ng Indonesia na mag­tapos sa Top 8 ng 2021 FIBA Asia Cup para maka-qualify sa 2023 World Cup. Nakatakda ang FIBA Asia Cup 2021 sa Agosto 17-29 na lalahukan ng 16 koponan.

Kung magagawa ito ng Indonesia ay magi­ging isa na lamang ang qualification spots para sa FIBA Basketball World Cup 2023 Asian qualifiers.

Ngunit kung mabibigo naman ang Indonesia na makapasok sa Top 8 ay gagamitin ang general rules sa iba pang Asia at Oceania teams para sa qualification sa 2023 World Cup.

Ang group phase ng nasabing torneo ay idaraos sa Pilipinas, Japan at Indonesia kung saan ang final phase ay gagawin sa Maynila. Si Ateneo head coach Tab Baldwin ang namamahala sa programa ng Gilas Pilipinas para sa 2023 World Cup.

Sa unang pagkakataon ay kailangang sumabak ang mga national teams sa ilang home and away qualifiers na nagsimula noong Pebrero. Itatampok sa 2023 World Cup ang 32 national teams na may expanded format mula sa 2019 World Cup sa China.

vuukle comment

FIBA WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with