^

PSN Palaro

Balik-laro? baka hindi muna

ABYLIEVE - Aby Maraño - Pilipino Star Ngayon

Walang sinasanto ang virus na si Corona. Maging ang mga pinaka-magagaling na atleta sa buong mundo ay kaya niyang pahintuin. Nitong nakaraang Martes lang ay napabalitang nagpositibo si Novak Djokovic, ang numero unong pinakamahusay na manlalaro ng tennis sa lalaki matapos mag-organisa ng exhibition tournament sa Balkan region.

Masyadong naging kumpiyansa ang torneo kung saan punung-puno ng mga manonood ang Arena at ang mga manlalaro ay nagyayakapan, naglalaro ng basketball, at magkakalapit din sa picture taking.

Dahil dito, sumambulat ang balitang baka maudlot din ang pagbabalik ng big sports sa buong mundo. Ang pagbabalik ng Major Leagues tulad ng baseball, football, golf, tennis at iba pang sports sa ibang bansa ay nagresulta lang ng pagdami sa bilang ng mga atletang nagpositibo sa virus.

Kaya naman ang plano ng NBA na bumalik ay mukhang maaaberya rin. Ibig sabihin mukhang malabo pa na ang PBA at iba pang isports dito sa Pilipinas na makabalik sa lalong madaling panahon. Bagama’t nasa plano na ang pagbabalik ensayo sakaling ipatupad ang MGCQ, kung saan tatluhan muna hanggang animan ang mga atletang pag-eensayuhin, mukhang hindi rin matutuloy.

Habang tumatagal ay lalo pang tatagal ang pagbabalik naming mga atleta sa paglalaro dahil sa kakulangan sa pag-iingat at sobra-sobrang kumpiyansa ng ibang orga­nisasyon pagdating sa larangan ng isports. Sana nama’y humupa na ang kaso ng virus sa bansa dahil bukod sa larung-laro na ang mga manlalaro ay apektado rin sa pagkawala ng propesyon o trabahong pinagkakakitaan.

vuukle comment

NOVAK DJOKOVIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with