^

PSN Palaro

UAAP Season 83 balik sa normal

ABYLIEVE - Aby Maraño - Pilipino Star Ngayon

Sa susunod na taon balik na sa normal ang UAAP Season 83 kung saan double-round robin kasama ang Final Four at Finals pa rin ang format ng kompetisyon. Sakaling posible nang magsimula sa operation ang mga isports ay kaagad namang magsisimula ang UAAP sa first quarter ng taong 2021.

Hanggang ngayon ay wala pa ring binibigay na green light ang gobyerno para sa sporting event. Dahil dito, nagpaplano pa rin ang UAAP board para makakuha ng akmadong kalendaryo para sa pagsisimula ng laro. Katunayan ay sumagi umano sa kanila ang paggaya ng format sa South East Asian Games kung saan ang lahat ng isport ay tatapusin sa loob lamang ng isa hanggang dalawang Linggo. Ngunit hindi na ito babaguhin pa ng De La Salle University na siya namang magiging host next season.

Sa tingin ko, magandang isabay na rin ang volleyball sa first semester batch of sports event dahil sila ay naapektuhan ng pandemic. Kung maaari, ituloy na lamang ang mga naudlot na mga laro ng Season 82. Natapos ang basketball sa kanilang season habang ang volleyball naman na isa sa pinaka-pangunahing laro sa UAAP na hindi na nagawang maipagpatuloy.

Bigyan din ng extension ang mga graduating pla­yers sapagkat sayang naman ang kanilang last playing year kung hindi ito matatapos. Mainam na may option ang mga bata kung gusto nilang magpatuloy o hindi na. Siyempre sayang naman talaga ang taong ito sapagkat wala silang ginawa kundi magpakadalubhasa sa pag-eensayo upang makipagtagisan sana ng ga­ling ngayong taong 2020 para sa Season 82 ngunit sa kasamaang palad, hindi sila sinuwerte.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with