^

PSN Palaro

Go sa PSC, POC: National teams suportahan sa paghahanda sa Olympic qualifying tournaments

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela si Senator at Senate committee on sports chair Christopher Lawrence “Bong” Go sa Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at iba pang concerned agencies na bumuo ng guidelines para matulungan ang ating mga pambansang atleta na sasabak sa Olympic qualifying tournaments.

Para magkuwalipika sa Tokyo Summer Olympics sa susunod na taon, kailangang may nakalatag na plano upang ang national athletes at kanilang coaches ay mabigyan ng prayoridad sa kanilang training habang o matapos ang general community quarantine pero dapat ay nasusunod pa rin ang health protocols.

“Habang patuloy na nilalabanan nating lahat ang pandemyang ito at hinahanda na rin natin ang bansa para sa ‘New Normal’ oras na malampasan natin ang krisis, kailangan ding mapaghandaan ng mga atleta natin ang kanilang mga laban sa paraan na ligtas at makakabuti sa kanilang pag-eensayo,” ani Go.

Kinumpirma ng mambabatas na ipinaabot na niya ang kanyang mga concern kay PSC chair William Ramirez at POC President at Cavite Representative Abraham Tolentino na kapwa nagsabing agad na kikilos sa nasabing isyu.

“Marami po sa ating mga atleta ay tatlong buwan nang hindi nakakapag-ensayo nang maayos. Planuhin dapat ng PSC at POC kung paano sila makakapaghanda sa kompetisyon sa paraang hindi rin sila mailalagay sa alanganin dahil sa kumakalat na sakit,” giit pa ni Go.

Sinabi ng PSC at POC na magpupulong sila upang ayusin ang mga kinakailangang guidelines upang ang mga  national athletes, partikular ang mga nagkuwalipika sa Tokyo Games, ay payagan nang makapag-training.

“We must take extra precaution and consider necessary safety guidelines and health protocols since we are still in the middle of a national health emergency caused by COVID-19,” ani Go na siya ring chairman ng Senate committee on health.

vuukle comment

WILLIAM RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with