^

PSN Palaro

Mayweather balik-ensayo na nangangamoy rematch!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mayweather balik-ensayo na nangangamoy rematch!
Balik-ensayo na si undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. sa kanyang Mayweather Gym sa Las Vegas, Nevada.
Instagram story ni Mayweather

Nagpaparamdam na si dating world champion Floyd Mayweather Jr. sa tangkang magbalik sa  bo­xing world anumang araw mula ngayon.

Balik-ensayo ang 43-anyos undefeated American fighter na tila hudyat na nalalapit na ang muli nitong pagtungtong sa ring.

Sa kanyang video story sa Instagram, ipinamalas ni Mayweather ang bilis at lakas ng kamao nito sa Mayweather Gym sa Las Vegas, Nevada.

Dahil dito, muling nabuhay ang usap-usapang handa na uling lumaban si Mayweather.

Mas lalong lumakas ang tsansang matuloy ang inaabangang rematch nina Mayweather at eight-division world champion Manny Pacquiao.

Numero uno sa listahan si Pacquiao sa posibleng makalaban ni Mayweather.

Una, sina Pacquiao at Mayweather ang pinakamainit na boksingero sa industriya sa kasalukuyan.

Pangalawa, inaasahang tatabo sa takilya ang muling pagtutuos nina Pacquiao at Mayweather na inaasahang malalampasan ang kinita sa kanilang unang pagtatagpo noong 2015.

At ikatlo, maraming fans ang naghahangad ng rematch upang magkaroon ng katapusan ang mga usapin sa kanilang unang laban.

Magugunitang isiniwa­lat na may shoulder injury si Pacquiao dahilan upang hindi ito makalaban ng 100 porsiyento na nagresulta sa kanyang pagkakatalo via unanimous decision kay Mayweather.

Umaasa ang mga bo­xing analysts na maikakasa ang inaabangang laban.

Nauna nang inihayag ni Pacquiao na may negosasyong nagaganap sa pagitan ng Team Pacquiao at kampo ni Mayweather.

Inaasahang masasagot ito sa oras na matapos ang krisis na kinakaharap ng buong mundo dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Bagamat negatibo ang resulta ng kanyang COVID-19 test, kasalukuyang sumasailalim si Pacquiao sa home quarantine sa kanilang tahanan sa Makati.

Wala pa sa isip ni Pacquiao ang boksing ngunit patuloy ito sa pagpapa­kundisyon para manatiling nasa porma ang kanyang katawan.

Maugong tuloy ang usap-usapang parehong naghahanda sina Pacquiao at Mayweather para sa inaabangang laban.

Kung magbabalik na sa normal ang lahat, may bali-balitang magaganap ito sa huling bahagi ng 2020 o sa kalagitnaan ng 2021.

Ngunit tanging sina Pacquiao at Mayweather lamang ang makasasagot kung tuluyan itong maisasakatuparan o mananatili na lamang itong pangarap para sa lahat ng boxing fans na umaasa.

Ilang buwan ring nanahimik si Mayweather.

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with