^

PSN Palaro

Rondina inspirasyon sa mundo ng volleyball

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Rondina inspirasyon sa mundo ng volleyball

MANILA, Philippines — Masaya si beach volley queen Sisi Rondina sa kaliwa’t kanang para­ngal na natanggap nito kamakailan.

Ginawaran ang UAAP Season 81 Most Valuable Player ng Ms. Volleyball award sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night kamakailan sa Manila Hotel.

Kasama rin ito sa listahan ng mga awardees sa 37th SAC All-Cebu Sports na ginanap sa Cebu City.

Kaya naman hindi maitago ni Rondina ang sa­yang nararamdaman nito.

Nais ni Rondina na maging magandang halimbawa at magsilbing inspirasyon sa mga batang atletang nagnanais tahakin ang mundo ng volleyball.

“Hindi ko talaga akalain na ganito ang magiging balik sa akin ng volleyball. Sobrang nagpapasalamat ako sa mga blessings kaya talagang ibinibigay ko ang lahat sa mga bagay na ginagawa ko,” ani Rondina.

Makulay ang taong 2019 para kay Rondina.

Tinulungan nito ang University of Santo Tomas na makabalik sa finals ng UAAP bagama’t nagkasya lamang sa runner-up finish ang Tigresses matapos matalo sa Ateneo de Manila University sa finals.

Nagtulong sina Rondina at Babylove Barbon para makuha ang korona ng UAAP beach volleyball. Napasakamay din ni Rondina ang ikaapat na MVP award sa naturang season.

Naging bahagi rin si Rondina para maibalik sa pedestal ang Pilipinas sa volleyball competition sa Southeast Asian Games.

Sa unang pagkakataon sapul noong 2005, nakabalik sa podium ang Pilipinas nang masikwat ng tropa nina Rondina, Bernadeth Pons, Dzi Gervacio at Dij Rodriguez ang tanso sa women’s beach volleyball.

“Gusto ko lang ipakita na walang imposible sa mga pangarap natin kung talagang pagsisikapan natin na makuha ito. Sana maging magandang halimbawa itong experience ko lalo na sa mga young ones at sa mga players na katulad ko,” ani Rondina.

Pansamantalang iiwan nina Rondina at Pons ang indoor volleyball para pagtuunan ng pansin ang beach volleyball sa ilalim ng Creamline beach volleyball club.

vuukle comment

SISI RONDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with