Bicol, Batangas buhay pa
MANILA, Philippines — Nagpakitang gilas ang Bicol Volcanoes at Batangas City Athletics sa magkahiwalay na laro upang humirit ng Game 3 sa kanilang Southern Division quarterfinal battle sa pagpapatuloy ng 2019-2020 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)-Chooks-to-Go Lakan Cup sa Batangas State University Gym.
Sinorpresa ng No. 8 seed expansion team Bicol Volcanoes ang top seed Davao Occidental Tigers, 84-81 habang bumawi naman ang No. 4 seed Batangas Athletics kontra sa No. 5 Zamboanga Family Sardines, 84-75, para itabla ang serye, 1-1.
Nagpasabong ang Volcanoes ng 16-point run, walo nito mula kay Alwyn Alday para makaganti sa kanilang 71-77 talo sa Game 1 noong Pebrero 17 sa Rizal Memorial College Gym sa Davao City.
Tumapos si Alday ng 18 puntos, limang rebounds, apat na assists at dalawang steals habang 14 puntos na may kasamang apat na rebounds at walong assists mula kay Romjay Buenafe para sa mga Bicolanos.
Sa iba pang laro,naging sandigan ng Batangas ang kanilang itinayong 21 puntos, 62-41 pundasyon sa bungad ng final canto tungo sa kanilang panalo.
- Latest