^

PSN Palaro

Japan vs South Korea sa Finals

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maghaharap ang Japan at South Korea sa finals matapos magwagi sa magkahiwalay na semifinal matches kahapon sa women’s division ng 2020 SMART Badminton Asia Manila Team Championships sa Rizal Memorial Coliseum.

Winalis ng Japanese women’s team ang Malaysia, 3-0, habang pinataob naman ng South Korea ang isa pang Southeast Asian women’s squad na Thailand, 3-1, para pumasok sa championship round ngayong araw sa alas-10 ng umaga.

Hindi na nag-aksaya ng oras pa ang dating world No. 1 na si Akane Yamaguchi at tinapos ang pag-asa ng Malaysian top player na si Sonila Cheah, 21-17, 21-18, sa loob lamang ng 46 minuto upang agad itaas ang bandera ng Japan.

Ang tagumpay ni Yama­guchi ay sinundan naman ng madaling 21-11, 21-4 panalo nina Yuki Fukushima at Sayaka Hirota kontra kina Lee Meng Yean at Yap Cheng Wen na natapos ng 35 minuto lamang sa women’s doubles match.

Sa huling singles match, dinispatsa naman ni Sayaka Takashi ang defending champion na si Selvaduray Kisona sa 45 minuto na laban, 21-13, 21-13.

Hindi naman nagpahuli ang South Korean Shuttler na si An Se Young at pinayuko ang Thailander na si Busanan Ongbamrungphan, 24-22, 21-17.

AKANE YAMAGUCHI

SAYAKA TAKASHI

SELVADURAY KISONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with