Marcial binigyan ng bagong 3-year term
MANILA, Philippines — Maganda ang pamamalakad ni Willie Marcial sa Philippine Basketball Association.
Kaya naman muli siyang binigyan ng PBA Board of Governors ng three-year term bago ang kanyang ikatlo at huling taon bilang Commissioner ng liga.
Ito ang isa sa mga key resolutions na naipasa ng PBA Board sa kanilang planning session sa Rosa Grand Milan.
“We reappointed the commissioner for another three-year term,” wika ni PBA board chairman Ricky Vargas. “We were open and transparent to his performance. We talked to him. That’s the good about the board. The board decided to reappoint him for another three-year term.”
Mula sa pagiging ‘temporary league caretaker’ ay tuluyan nang iniluklok si Marcial bilang ika-10 PBA Commissioner noong 2018.
Ang darating na 45th season ang magiging ikatlong taon ng 58-anyos na si Marcial.
Tinagurian siyang “the Healing Commissioner” ni Vargas.
Samantala, kinuha ng San Miguel sina Gelo Alolino at Wendell Comboy.
- Latest