^

PSN Palaro

8 ginto ang itinumba ng Pinoy jins

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magaang naibulsa ni Kurt Bryan Barbosa ang gintong medalya matapos talunin si Reinaldy Atmanegara ng Indonesia, 26-10, sa finals ng 54-kg (finweight) division kahapon at itakas ang ika-walong ginto ng Team Philippines’ sa pagtatapos ng taekwondo competition sa 30th Southeast Asian Games sa Ninoy Aquino Stadium.

Tangan ang mabigat na misyon para sa bansa, pinatamaan ng 20-anyos na si Barbosa ang kalaban sa tiyan para sa maagang 12-3 bentahe tungo sa pagsungkit sa huling medalya ng Pilipinas sa 22-event at tatlong araw na kumpetisyon.

“Sobrang saya ko talaga. Pinaghandaan ko talaga ito mula umpisa hanggang matapos ang torneo. First SEA Games ko pa kasi ito kaya excited ako. Sabi ng coach ko huwag mong tingnan ang iskor, enjoy mo lang ang sarili. Mabuti rin kasi nag-enjoy din ang crowd,” sabi ni Barbosa, ang Rookie-MVP ng UAAP.

Ngunit, nabigo naman ang kanyang teammate na si Rheza Aragon pagkaraang matalo kay Wongpattanakit Panipak ng Thailand, 2-35 upang tumapos sa silver medal sa 49-kg (flyweight) category.

Ito ang pinakamagandang kampanya ng national taekwondo team sa SEA Games makaraang mag-uwi lamang ng 2-3-4 output noong 2017 Kuala Lumpur, Malaysia SEAG.

Nalampasan din ng koponan ang 5-5-1 haul nang isinagawa ang SEA Games dito sa Pilipinas noong 2005.

Si Rodolfo Reyes Jr. ng Dasmariñas, Cavite ang most bemedalled Filipino jin sa kanyang dalawang ginto, ang una ay sa men’s poomsae recognized individual event at ang ikalawa ay sa men’s poomsae re­cognized team competition kasama sina Dustin Jacob Mella at Raphael Enrico Mella. 

vuukle comment

SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with