Raptors sumabog sa Rockets
TORONTO -- Nagposte si guard Russell Westbrook ng triple-double habang umiskor si James Harden ng 23 points para sa 119-109 paggupo ng Houston Rockets kontra sa Raptors.
Tinapos ng Rockets ang kanilang three-game road losing slump na tinampukan ng 19 points, 13 rebounds at 11 assists ni Westbrook.
“James, to his credit, didn’t force anything,” wika ni head coach Mike D’Antoni. “He said, ‘OK, double me and my teammates will score tonight,’ and they did it.”
Nagdagdag naman si Ben McLemore ng season-high 28 points at kumolekta si P.J. Tucker ng 18 points at 11 rebounds.
Ipinalasap din ng Houston, nakahugot kay Danual House Jr. ng 16 markers, ang ikalawang sunod na home loss ng Toronto matapos ang franchise-record 9-0 sa pagsisimula ng season.
Pinamunuan ni Pascal Siakam ang Raptors mula sa kanyang 24 points habang may 20 at 19 markers sina VanVleet at Kyle Lowry, ayon sa pagkakasunod.
Sa New Orleans, nagpasabog si Devin Booker ng season-high 44 points para akayin ang Phoenix Suns sa 139-132 overtime win laban sa Pelicans.
Nag-ambag si Frank Kaminsky ng 20 points at humakot si Kelly Oubre ng 14 points at 15 rebounds para sa Phoenix.
Sa Washington, ginulat ng Wizards si Joel Embiid at ang Philadelphia 76ers matapos kunin ang 119-113 panalo.
Tumipa si Bradley Beal ng 26 points para sa Washington sa ilalim ng 27 markers ni Japanese rookie Rui Hachimura.
Tumapos si Embiid na may 26 points at season-best 21 rebounds sa panig ng Philadelphia.
Sa Denver, nagtala si Will Barton ng 17 points para igiya ang Nuggets sa 129-92 paglampaso sa New York Knicks.
Umiskor si Jerami Grant ng 16 points kasunod ang 15 markers ni Monte Morris para sa Denver.
- Latest