^

PSN Palaro

Siakam, Vanvleet bumida sa Raptors

Pilipino Star Ngayon

TORONTO -- Umiskor si Pascal Siakam ng 25 points habang may 24 markers si Fred VanVleet para banderahan ang Raptors sa 101-96 paggupo sa Phildelphia 76ers.

Hindi pinaiskor ng Toronto si Phildelphia star center Joel Embiid sa u­nang pagkakataon sa kanyang career.

Nagdagdag si Rondae Hollis-Jefferson ng 16 points at 10 rebounds para sa Raptors na itinala ang ika-14 sunod na home victory laban sa 76ers.

Sa Milwaukee, kumamada si Giannis Anteto­kounmpo ng season-high 50 points at humakot ng 14 rebounds para sa kanyang ika-17 sunod na double-double at ihatid ang Bucks sa 122-118 panalo kontra sa Utah Jazz.

Ito ang pang-walong sunod na arangkada ng Bucks.

Ang magkakasunod na double-double ni Anteto­kounmpo ang pinakamahaba sa pagsisimula ng season matapos ang 34 ni Bill Walton noong 1976-77.

Nag-ambag si Wesley Matthews ng 19 points.

Pinamunuan ni Bojan Bogdanovic ang Jazz mula sa kanyang 24 points kasunod ang 20 markers ni Donovan Mitchell.

Sa Cleveland, nagsalpak si Spencer Dinwiddie ng isang fadeaway jumper sa huling 1.9 segundo para iligtas ang Brooklyn Nets laban sa Cavaliers, 108-106.

Ito ang pang-apat na sunod na ratsada ng Nets.

vuukle comment

PASCAL SIAKAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with