^

PSN Palaro

Ateneo lalapit sa sweep

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Ateneo lalapit sa sweep
Tangan ang malinis na 12-0 win-loss kartada, sasagupain ng two-peat champion Blue Eagles ang Bulldogs sa alas-2 ng hapon kung saan paborito silang muling magwagi bunga ng kanilang 71-50 panalo sa una nilang pagtatagpo noong Setyembre 22.
File

MANILA, Philippines — Susubukan ng undefeated Ateneo na lumapit sa isang hakbang tungo sa asam na sweep sa elimination round sa paghaharap kontra sa nangungulelat na National University nga­yon sa pagpapatuloy ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Tangan ang malinis na 12-0 win-loss kartada, sasagupain ng two-peat champion Blue Eagles ang Bulldogs sa alas-2 ng hapon kung saan paborito silang muling magwagi bunga ng kanilang 71-50 panalo sa una nilang pagtatagpo noong Setyembre 22.

Matapos mabigo sa nakaraang laro, hangad naman ng University of Santo Tomas na maka-siguro ng playoff sa huling semis berth sa muling engkuwentro nila ng Adamson Soaring Falcons sa alas-4 ng hapon.

Dalawang koponan na lamang ang puwe­deng humadlang sa Ateneo sa asam na sweep para mai­baba sa stepladder format ang semifinal round kung saan didiretso sila best-of-three Finals.

Kung mabibigo ang NU, ang huling makakalaban ng Ateneo ay ang University of the Philippines Fighting Maroons sa huling araw ng double-round eli­mination sa Miyerkules sa Mall of Asia Arena.

Tiyak ayaw ng UP ang stepladder format dahil masasayang ang posibleng twice-to-beat bentahe sa Final Four. Kaya mahalaga sa Blue Eagles ang laro kontra sa Bulldogs bilang paghahanda sa huling pagtatagpo laban sa UP.

vuukle comment

BASKETBALL

BLUE EAGLES

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with