^

PSN Palaro

Red Lions sinakmal ang ika-12 sunod na panalo

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Red Lions sinakmal ang ika-12 sunod na panalo
Natapik ni Nathaniel Sevilla ng Perpetual Help Altas ang bola sa kamay ni Justin Arana ng Arellano Chiefs sa NCAA Season 95 kahapon.

MANILA, Philippines — Nasungkit ng three-peat champion San Beda Red Lions ang ika-12 sunod na panalo matapos mu­ling padapain ang Jose Rizal Heavy Bombers, 65-47, para lumapit sa silya sa Final Four ng Season 95 NCAA men’s bas­ketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagpakita si Fil-Ca­na­dian James Kwekuteye  ng matikas na laro sa kanyang 18 points, 7 rebounds at 2 assists para mapanatili ang malinis na kartada sa 12-0 kartada para sa inaasa­hang muling pagpasok sa semifinal round.

Nagtala ng 12 points, 7 rebounds at 3 assists si  leading MVP contender Calvin Oftana, habang may 11 markers si Evan Nelle para sundan ang kanilang 74-52 panalo sa Jose Rizal sa first round noong Hulyo 12.

Lumamang ang Heavy Bombers sa 31-27 sa halftime ngunit umarangkada si­na Kwekuteye, Nelle at Oftana ng 8-0 atake para sa 39-27 abante ng Red Lions sa unang apat na mi­nuto ng ikatlong yugto.

Sa mahigpit na depen­sa ng San Beda ay napu­wersa nila ang Jose Rizal ng kabuuang 26 turnovers.

Hindi naman nagpahuli ang Arellano Chiefs matapos gumanti sa Perpetual Help Altas, 91-86, para makopo ang ikatlong panalo sa 12 laro.

Tumipa si Clint Salado ng 18 points, 12 assists, 3 rebounds at 4 steals upang bumawi sa kanilang 73-75 pagkatalo sa Altas sa first round noong Hulyo 30.

Sa juniors’ division, ti­nalo ng Red Cubs ang Light Bombers, 88-68, habang nagwagi ang Arellano Braves sa Perpetual Junior Altas, 86-62.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with