^

PSN Palaro

Bacoor tinuhog ang Caloocan

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangailangan ng overtime period ang Bacoor Strikers bago maka-eskapo ng 95-94 panalo kontra sa Caloocan Supremos sa pagpapatuloy ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakandula Cup noong Biyernes ng gabi sa Caloocan City Sports Complex.

Kahit wala sina head coach Chris Gavina, team captain Oping Sumalinog at reigning MVP Gab Banal, hindi ito naging hadlang para sa Strikers upang palawakin ang winning streak sa lima at manatili sa solo top spot sa Southern Division sa 5-1 win-loss kartada.

Si coach Gavina ay ka­sama sa Rain or Shine bi­lang assistant coach na nag­lalaro sa PBA sa Ca­gayan de Oro City habang si Sumalinog ay dumalo sa kasalan at kabilang din si Banal sa Mighty Sports na naglalaro naman sa Jones Cup sa Taiwan.

Samantala, nilampaso ng Makati Super Crunch ang Bataan Risers, 76-69 para mapanatili ang malinis na kartada at makisama sa San Juan Knights sa sosyohan sa liderato sa Northern side sa parehong 4-0 slate.

Nagwagi rin ang Mun­tin­lupa Cagers laban sa Soccsksargen Marlins, 58-55 para masungkit ang unang panalo sa limang laro (4-1).

vuukle comment

2019 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

BACOOR STRIKERS

CALOOCAN SUPREMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with