^

PSN Palaro

Durant nasilo ng Nets

Pilipino Star Ngayon
Durant nasilo ng Nets
Kevin Durant

LOS ANGELES -- Inihayag kahapon ni two-time NBA Finals Most Valuable Player Kevin Durant na iiwanan niya ang Golden State Warriors, ang kanyang koponan sapul noong 2016, para lumipat sa Brooklyn Nets.

Ginawa ng 30-anyos na star forward ang kanyang announcement sa social media ilang minuto matapos magsimula ang NBA free agency period at nagsabing pipirma siya sa isang maximum-level deal sa Nets.

Malaking kontrata pa rin ang maaaring makuha ni Durant sa kabila ng pagkakaroon ng ruptured Achilles tendon sa Game Five ng nakaraang NBA Finals laban sa nagkampeong Toronto Raptors.

Hindi pa siya makakalaro sa darating na 2019-20 season.

“Kevin Durant has confirmed he will sign a max deal with the Brooklyn Nets,” sabi sa isang post sa Instagram at Twitter accounts ng The Boardroom, ang kanyang company-owned sports-business network.

Ang max deal para kay Durant ay maaaring magkahalaga ng $164 milyon sa loob ng apat na taon.

Maaari sanang bigyan ng Warriors si Durant ng $221 milyon sa loob ng limang taon para manatili sa koponan.

Sa ilalim ng NBA free agency rules, hindi maa­aring papirmahin ng mga koponan ang players hanggang Sabado.

Samantala, ilang US media outlets ang nagreport na sasamahan ni Boston Celtics playmaker Kyrie Irving si Durant sa Brooklyn mula sa lalagdaang four-year, $141 million contract.

Sa iba pang eksena, pumayag si three-time All-Star Kemba Walker na lumipat sa Celtics sa  bisa ng four-year, $141 million deal.

vuukle comment

KEVIN DURANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with