^

PSN Palaro

Pasado kay Ramirez

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang magandang resulta ng pagtitipon kasama ang POC, NSA  heads at mahigit 100 national coaches, binigyan ng positibong marka ni PSC chairman at Chef de Mission William “Butch” Ramirez ang preparasyon na isinagawa ng Team Philippines para sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin dito sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ito umano ang ibabalita ni Ramirez kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang isusumiteng ulat sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

“I will be submitting a positive report to Malacañang,” sabi ni  Ramirez.

Nangako ng suporta ang mahigit 57 National Sports Association heads sa isinagawang assessment meeting kasama sina Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas at Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) chairman Alan Peter Cayetano sa Summit Hall ng PICC noong nakaraang linggo.

Sinundan naman ito ng masaganang pagtitipon kasama ang mga national coaches kung saan nagpahayag sila ng hangarin  na sungkitin ang top spot ng Manila SEAG noong Martes sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ayon kay Ramirez,  hangad nilang ikumpleto na ang iba’t ibang mga kailangan ng inaasahang 1,500-man Team Philippines kagaya ng track suits, parade uniforms, luggages at equipments ngayong Hunyo 30.

vuukle comment

WILLIAM “BUTCH” RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with