^

PSN Palaro

Taulava ikinakasa na ang pagreretiro

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Taulava ikinakasa na ang pagreretiro
Si Taulava, dating national team mainstay, ang ikaapat na player sa PBA history na naglaro ng 20 seasons kahanay sina legends Robert Jaworski, Ramon Fernandez at Abet Guidaben.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Naglalaro sa kanyang ika-20 season, inamin ni NLEX center Asi Taulava na nasa isip na niya ang pagreretiro.

“It’s on its way, the door is getting closer,” sabi ng 45-anyos na Filipino-To­ngan slotman na unang nag­laro noong 1999 para sa Mobiline bago isinuot ang mga uniporme ng Coca-Cola, Meralco at Air21.

Sa kanyang unang pagsalang noong Pebrero 7, 1999 ay kumolekta ang 6-foot-10 giant ng 32 points, 20 rebounds, 8 assists at 2 blocks para banderahan ang Mobiline sa 90-64 paglampaso sa Tanduay Rhum sa season opening ng PBA All-Filipino Con­fe­rence sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sa naturang laro ay ipinarada naman ng Tanduay si 6’5 Fil-American power forward Eric Menk.

Si Taulava, dating national team mainstay, ang ikaapat na player sa PBA history na naglaro ng 20 seasons kahanay sina legends Robert Jaworski, Ramon Fernandez at  Abet Guidaben.

Nagretiro si Fernandez noong 1994 kasunod si Guidaben noong 1995  habang noong 1998 naman tuluyan nang isinabit ni Jaworski ang kanyang Ginebra uniform.

Sa tatlong laro niya para sa NLEX ngayong 2019 PBA Philippine Cup ay naglista si Taulava ng mga averages na 2.7 points at 2.7 rebounds.

vuukle comment

ASI TAULAVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with