^

PSN Palaro

Kiram at Carrion magiging panauhin sa TOPS bukas

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itatampok ang ‘women power’ sa 6th “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS).

Bibisita si Philippine Sports Commissioner Celia Kiram bukas sa TOPS public sports program sa National Press Club.

Makakasama ni Kiram sa pang-alas-10 ng umagang sesyon na itinatagu­yod ng National Press Club sina Cynthia Carrion ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) at Mar­del Claro at Preciosa De­­larmino ng Muay Asso­ciation of the Philippines.

Tatalakayin ni Kiram ang kanyang mga progra­ma para sa promosyon ng mga kababaihan at ka­bataan sa sports.

Ilan sa mga ito ay ang Philippine National Games at Batang Pinoy.

Ilalahad naman ni Carrion ang matagumpay na kampanya ng gymnastics association sa nakaraang taon bukod pa ang kan­yang mga gagawing ak­tibidad ngayong 2019.

Sina Claro at Delarmi­no, ang national team coach, ang kakatawan kay Muay president Pearl Managuelod na kasalukuyang abala sa kanyang Masteral course sa Canada.

vuukle comment

WOMEN POWER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with