^

PSN Palaro

Lady Red Spikers pasok na sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Red Spikers pasok na sa semis
Bida si outside hitter Cesca Racraquin nang umani ito ng 14 puntos buhat sa 12 spikes at dalawang aces para manduhan ang Lady Red Spikers sa pagkopo ng ikapitong panalo sa walong laro.
Joey Mendoza

Laro Bukas  (The Arena)

12nn MU vs Letran (W)

2pm Perpetual vs AU (W)

MANILA, Philippines — Mabangis ang San Beda University nang matikas nitong pabagsakin ang San Sebastian College-Recoletos sa bisa ng 25-20, 25-15, 25-18 desisyon para sakmalin ang kanilang semis spot sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Bida si outside hitter Cesca Racraquin nang umani ito ng 14 puntos buhat sa 12 spikes at dalawang aces para manduhan ang Lady Red Spikers sa pagkopo ng ikapitong panalo sa walong laro.

Sinamahan ng San Beda sa semis ang nagdedepensang Arellano University na nauna nang umabante sa Final Four bunsod ng malinis na 7-0 baraha nito.

Umiskor naman sina Nieza Viray at Trisha Mae Paras ng tig-siyam na puntos para sa San Beda, nakakuha rin ng 31 libreng puntos mula sa errors ng San Sebastian.

Walang miyembro ng Lady Stags ang nagtala ng double digits kung saan nalimitahan si Joyce Sta. Rita sa siyam na puntos habang may walo lamang si Nikka Dalisay.

Bumagsak sa No. 5 ang Lady Stags hawak ang 4-3 marka.

Sa unang laro, namayani ang College of St. Benilde sa Jose Rizal, 20-25, 25-17, 25-20, 25-22 para umangat sa 6-1 kartada at makasiguro ng playoff para sa Final Four spot.

Pumalo si Klarisa A­briam ng 17 points habang nagsumite si Jan Daguil ng 14 hits para sa Lady Blazers.

Makakahirit ng semis spot ang Benilde kung maipapanalo ang isa sa dalawang larong natitira nito – laban sa San Sebastian sa Biyernes at Mapua University sa Lunes.

Nanganganib na mapatalsik ang Lady Bombers na nahulog sa 4-4 baraha.

Sa men’s division, sumalo sa No. 2 spot ang Benilde nang igupo ang Jose Rizal, 25-14, 25-21, 23-25, 25-19 tampok ang pamumuno ni Ruvince Abrot na nagtarak ng 14 markers.

Gumanda ang rekord ng Blazers sa 6-1 para samahan ang Arellano sa ikalawang puwesto.

vuukle comment

SAN BEDA UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with