James, Lakers hiniya ang Jazz
LOS ANGELES--Kumolekta si LeBron James ng 22 points, 10 rebounds at 7 assists para tulungan ang Lakers sa 90-83 panalo kontra sa bisitang Utah Jazz.
Ito ang pang-pitong panalo ng Lakers, nakahugot kay James ng 9 points sa fourth period sa kanilang huling walong laban.
Nag-ambag si Brandon Ingram ng 24 points para sa Lakers na napuwersa ng Jazz sa 24 turnovers.
Ang layup at three-point shot ni James sa huling 3:15 ang nagbigay sa Lakers ng 90-83 bentahe kasunod ang kanyang supalpal kay Alec Burks para tapusin ang kanilang seven-game skid sa Utah.
Umiskor si leading scorer Donovan Mitchell ng 4 points bago nagkaroon ng bruised ribs sa second quarter at hindi na nagbalik para sa Utah.
Umiskor si Burks ng 17 points kasunod ang 16 markers ni Joe Ingles sa panig ng Jazz, naisuko ang ikatlong sunod na kabiguan.
Sa Oakland, tumipa si Kevin Durant ng 32 points kasunod ang 31 markers ni Klay Thompson para akayin ang Golden State Warriors sa 125-97 pananaig sa bisitang Portland Trail Blazers.
Nagtala rin si Durant ng 8 assists, 7 rebounds at 3 blocks para sa two-time defending champions.
- Latest